PRIESTHOOD

            Ipinagdiriwang natin ngayon ang kapistahan ni St. John Marie Vianney. He is the Patron Saint of priests.

            Kaninang umaga, natuon ang prayer-reflection ko sa sinabi ni St. John Marie Vianney na ganito: “The priesthood is the love of the heart of Jesus.” Inaanyayahan ko kayo na pagnilayan din ang mga katagang ito…

            Sa kabila ng mga personal na kahinaan, kakulangan, at kasalanan ng mga pari ginamit at patuloy na ginagamit ng Panginoon ang mga pari upang ipabatid at ipadama ang kanyang pagmamahal sa atin.

Sa Binyag, ginagamit niya ang pari para ampunin at kupkupin ang binyagan bilang anak ng Diyos at bilang kabahagi ng kanyang Simbahan.
Sa Kasal, ginagamit niya ang pari para gawing banal ang pagtataling-puso o pag-iisang-dibdib ng mag-asawa at basbasan ang kanilang pagsasama.
Sa Pagpapahid ng Langis, ginagamit niya ang pari para pagalingin o palakasin ang katawan at espiritu ng maysakit at ihanda ang kaluluwa ng naghihingalo.
Sa Kumpisal, ginamit niya ang pari upang igawad niya sa atin ang kapatawaran sa mga pagkukulang at pagkakasala natin at bigyan tayo ng lakas at sigla sa pagsisikap natin na magbago, magpakabuti, at gumawa na kabutihan.
Sa pagpapahayag ng Mabuti Balita – sa pangangaral at pagtuturo tungkol sa pananampalatayang Kristiyano, ginagamit niya ang pari para ipaalala sa atin ang kanyang tapat at maaasahang pag-ibig sa atin at para turuan tayong panghawakan at tugunan ang kanyang pag-ibig sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Higit sa lahat, ginagamit ng Panginoon ang pari upang ipagkaloob ang kanyang sarili sa atin – ang kanyang Katawan at Dugo sa Eukaristiya –          na siyang pinakadakilang tanda at katibayan ng kanyang pagkalinga at pagmamahal sa atin. “The priesthood is the love of the heart of Jesus.”

            Batid ko na ang pinaka-tungkulin ko bilang pari o pastol ay maging salamin ng pagmamahal ng Diyos sa inyo, ang kawan na pinaglilingkuran ko. Marami akong naging pagkukulang sa bagay na ito… Because of my many faults and failures, because of my sins of commission and omission perhaps, I have made it difficult for you to realize that, indeed, “the priesthood is the love of the heart of Jesus.” Baka nga sa halip na pag-ibig ni Kristo ang maiparamdam at maiparanas ko sa inyo, eh, ang kasamaan ko ang naipakita at naipamalas ko sa inyo.

            Ngayong ipinagdiriwang natin ang kapistahan ng Patron ng mga Pari, humihingi ako ng kapatawaran sa lahat ng mga pagkukulang ko na tuparin nang buong-katapatan ang mga tungkulin ko bilang pari at sa kabiguan kong maging buhay na salamin ng pagmamahal ng Diyos. Sorry po sa mga pagkakataon na hindi ako naging mabuting halimbawa sa inyo at hindi ako naging huwaran na pagiging banal at madasalin. Sorry po sa mga pagkakataon na nasaktan ko kayo sa pagsasalita ko o naeskandalo ko kayo sa pag-aasal at pag-uugali ko. Sorry po sa pagiging impatient, moody, suplado, masungit, at istrikto ko – kaya maraming natatakot na lumapit sa akin. Sorry if ever I have shortchanged your goodness and generosity and have not shown enough appreciation of what you do for me and for the Church. Sorry for my failure to inspire and motivate you to love and serve our parish community better, to share or give more of yourselves in ministry. Sorry for my selfishness – particularly for the times that I have not made myself (my time and energy, my gifts and talents, my means and resources) more available to you. Sorry for all my other faults which you might not even be aware of. Above all, I ask pardon for my failure to be the face of God’s love for you.

            Sa tulong ni St. John Marie Vianney, ipanalangin ninyo ako upang ako naman ay maging mabuting pari. Please continue to pray for all the priests that they may become living proofs that the priesthood is the love of the heart of Jesus.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s